Please Repeat it Again Once More

Posted on July 27 2017

Please Repeat it Again Once More

Redundancy - the act of using a word, phrase, etc., that repeats something else and is therefore unnecessary

Tayong mga Pinoy, mahilig talaga tayo sa paulit-ulit na mga salita.  Loka-loka, aga-aga, ingay-ingay, gabi-gabi, buhat-buhat, bukol-bukol.

Tayong mga tanga, mahilig sa paulit-ulit na mga gawain. Magcha-chat, aasa, kikiligin, iiwan, iiyak, repeat.

Tayong mga tamad, mahilig sa pauli-ulit na pangako. Magda-diet na ako, mage-exercise na ako, magtitipid na ako, matutulog na ako nang maaga.

Tayong mga fans, mahilig sa paulit-ulit na palabas, pelikula, at kanta. Manonood ng reruns ng Friends nang mga walong beses at tatawa pa rin kahit alam na ang punchline, pakikinggan ang latest song ni Ed Sheeran nang mga 50 beses o hanggang mag-mental breakdown ka (whichever comes first), panonoorin ang Inception for the nth time dahil hindi pa rin talaga maintindihan ang nangyayari, nakaka-miss tuloy ang mga araw na Romeo and Juliet at Titanic pa lang ang mga pelikula ni Leo, hindi mahirap maka-relate.

Kaya naman siguro  mahilig din tayo sa redundant phrases, dahil talagang kulang kapag isa lang. Here are some examples:

 

  1. “Ipikit mo ang mga mata mo.” Baka kasi siko mo ang ipikit mo, mainam na ‘yung malinaw.
  2. “Umakyat ka sa taas.” Please, huwag na huwag kang aakyat sa baba. May mumu doon.
  3. “Ulitin mo ulit.” So bale tatlong beses na, ‘no?
  4. “Magsuklay ka ng buhok.” Well, technically pwede rin namang kili-kili ang suklayin. If you know what I mean. I mean, effective na pangkamot ang suklay.
  5. "Pumasok na tayo sa loob." Kapag pumasok ba ako sa labas, makakalabas pa ‘ko sa loob? Or will I be in a dream within a dream? OMG, maiintindihan ko na ba sa wakas ang Inception?!
  6. And my all-time favorite:

    1. “Pwede bang magtanong?” Gusto kong malaman kung may sumagot na ba dito ng “Hindi.”

     

    May madadagdag ka ba sa list? Tell me in the comments below!

    XOXO,

    Tita Witty

 

64 comments

  • oArZtiIenxBMfbQH: October 15, 2019

    ayvoDlIE

  • hbnaquIPFCl: October 15, 2019

    IKMVQrBlGmkXechw

  • LbnClWcx: October 15, 2019

    FTIJaMlAYCwBtDjr

  • ZBboHpqyIF: October 15, 2019

    BpRnXFVfNLk

Leave a comment

Recent Posts