Weekly Horoscope August 21-28 2017

Posted on August 21 2017

Weekly Horoscope August 21-28 2017

ARIES

Hinaan ang boses kapag kumakanta habang naka-earphones.

 

TAURUS

It’s the perfect week for you to start something new. Something borrowed. Something blue.

 

GEMINI

Tama na ang unli-rice. Kailangan bang sabihin pa ng bolang cristal para gawin mo ‘to?!

 

CANCER

Umorder ka pa ng isang slice ng cake sa coffee shop. Lakas nyong tumawa eh.

 

LEO

Kakailanganin ni Jon Snow ang tulong mo. ‘DI raw niya maubos ‘yung food niya.

 

VIRGO

No, hindi niya napansin na in-unfriend mo siya. Nung ex mo, hindi ni Jon Snow.

 

LIBRA

Magdala ng payong, uulan. Tapos aaraw. Tapos uulan na para bang mawawalan ng pasok bukas. Tapos aaraw ulit na para bang pati underwear mo, magiging well-done sa pakaluto. Tapos babaho ka. At least, may payong ka.

 

SCORPIO

Hindi ka mananalo sa lotto. Bakit, tumaya ka ba?

 

SAGITTARIUS

Kapag pumayag ka pa ulit, it’s not him – it’s you.

 

CAPRICORN

Mag-ingat sa magnanakaw. Kahit hindi Capricorn ang sign mo.

 

AQUARIUS

May darating na matagal mo nang hinihintay.  May kinalaman sa Netflix.

 

PISCES

Tumataba ka yata. O, hindi ako ang may sabi nyan, ‘yung nanay mo. Pinapasabi lang.

0 comments

Leave a comment

Recent Posts

Join our mailing list

Promise, four times a year ka lang makakatanggap ng e-mail!